- HOME
- Listahan ng links
Listahan ng links
Site portal ng suporta sa buhay ng dayuhan
Ipinagkakaloob sa Portal site ng Suporta para sa Pamumuhay ng mga Dayuhan (sa loob ng website ng Immigration Services Agency of Japan), ang impormasyon upang tulungang mamuhay nang ligtas at matiwasay ang mga dayuhang residente.
Gabay sa pamumuhay at pagtrabaho
Ipinagkakaloob ang kinakailangang impormasyon upang magawang mamuhay at magtrabaho nang ligtas at mapanatag sa Japan.
Video ukol sa livelihood orientation
Para sa matiwasay na paninirahan sa Japan, inilalathala sa "Suporta para sa Pamumuhay ng mga Dayuhan" portal site, ang video ukol sa livelihood orientation na nagsasalaysay sa mga patakaran sa pamumuhay sa Japan para sa mga dayuhang nagbabalak na manirahan sa Japan pati mga dayuhang kasalukuyang nakatira sa bansa.
Foreign Residents Support Center (FRESC)
Ang FRESC ay isang pasilidad kung saan pinagsama ang mga tanggapan ng pamahalaan na nagbibigay ng suporta sa mga dayuhang nakatira sa Japan. Ang kaugnay na mga organisasyon ay nakikipagtulungan sa isa't-isa upang tugunan ang konsultasyon sa iba't-ibang larangan o industriya mula sa mga dayuhan.
Visit Japan Web
Sa antimanong pagpaparehistro ng sariling Entry Record ng mga dayuhan (ED Card information) sa Visit Japan Web, mas maayos na maisasagawa ang mga pamamaraan sa imigrasyon (para sa mga bagong dating lamang).
Serbisyo sa pamamahagi ng email ng Immigration Services Agency
Isinasagawa ang pamamahagi ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa email para sa mga dayuhang maninirahan sa Japan.
JP-MIRAI Portal
Nakalathala ang kapaki-pakinabang na mga impormasyon tungkol sa pagtrabaho, pag-aaral, at pamumuhay sa Japan. Bukod pa rito, maraming serbisyong ipinagkakaloob para sa maginhawang paggamit.