• HOME
  • Mga katanungang madalas itanong

Mga katanungang madalas itanong

Una sa lahat, kailangang makumpleto muna ang Technical Intern Training.
Kung may natatanging dahilan, tulad ng hindi magawang ipagpatuloy ang Technical Intern Training at iba pa, kailangang kumunsulta sa Samahang nangangasiwa o sa Organization for Technical Intern Training.

Hindi na kailangang gawin ang pagsusulit at maaaring magtrabaho kapag matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii).
Subalit, kung magtatrabaho sa industriya na iba sa Technical Intern Training, kailangang kumuha ng skill test sa industriya na kung saan nais magtrabaho.

Hindi maaaring dalhin ang sariling pamilya sa bansa sa status na Specified Skilled Worker (i).
Subalit, kung naninirahan na sa Japan sa ilalim ng status of residence na Family Stay, tulad ng asawa o anak ng isang dayuhang mag-aaral, maaaring payagang gawin ang pagbabago sa status of residence.
Para sa karagdagang impormasyon, kumunsulta sa pinakamalapit na tanggapan ng Imigrasyon.

Walang espesyal na educational background ang kailangan hangga't nakapasa sa pagsusulit o di kaya'y matagumpay na nakapagtapos ang Technical Intern Training (ii) o Technical Intern Training (iii).
Kailangang nasa 18 taong-gulang o higit pa para makapagtrabaho sa status na Specified Skilled Worker.

Kung naghahanap ng trabaho, maaaring lumagi sa Japan nang hindi bababa sa panahong ipinagkaloob sa hawak na status of residence. Kung nasa parehong industriya, maaaring magtrabaho sa ibang kompanya kahit hindi gawin ang pagsusulit.
Subalit, sa kaso na kung saan hindi naghahanap ng trabaho sa tatlong buwan o higit pa, nang walang balido o espesyal na dahilan, at tatlong buwan o higit pang hindi gumagawa ng trabaho kaugnay sa "Specified Skilled Worker", maaaring pawalang bisa ang hawak na status of residence.

Maaaring magmaneho kung may hawak na lisensiya sa pagmamaneho.
Maaaring alamin ang iba't-ibang impormasyon ukol sa pamumuhay sa Japan mula sa livelihood orientation na isinasagawa ng kompanya.
Bukod pa rito, nakalagay din sa "Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho" ang mahalagang impormasyon kaugnay sa pamumuhay at pagtatrabaho sa Japan.
http://www.moj.go.jp/isa/support/portal/filipino.html

Hindi maaaring ipagkaloob ang Pahintulot sa paggawa ng mga aktibidad na hindi sakop ng kuwalipikasyon para gumawa ng part-time job.

Ang haba ng panahon kung saan maaaring lumagi sa Japan sa status of residence na "Specified Skilled Worker (i)" ay hanggang limang taon.
Kung kaya, mahirap baguhin sa Permanent Resident ang status of residence.

Mula noong Abril 2020, maaari nang pumunta sa Japan sa status of residence na Temporary Visitor para kumuha ng pagsusulit.

Bagama't walang limitasyon kung ilang beses maaaring kumuha ng pagsusulit, hindi libre ang pagkuha nito.

Sa kasong ito ay hindi na kailangang ipasa ang Japan Foundation Test for Basic Japanese, dahil kailangan lamang ipasa ang isa sa mga pagsusulit.
Subalit, kung magtatrabaho sa Industriya ng nursing, kailangang ipasa ang Nursing Care Japanese Language Evaluation Test, bukod sa pagpasa sa alinman sa mga pagsusulit.

Hindi na kailangang kumuha ng Japanese proficiency test kung matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii). Subalit, kailangang kumuha ng skill test sa industriya na kung saan nais magtrabaho.

Pakikumpirma ang schedule ng pagsusulit sa website ng Ministry of Justice. (sa wikang Hapon lamang)
http://www.moj.go.jp/isa/policies/ssw/nyuukokukanri06_00064.html

Ang kompanya ang karaniwang magbabayad.
Kumunsulta sa pinakamalapit na tanggapan ng Imigrasyon kung sakaling ibinawas ito mula sa sahod.

Kung nagtatrabaho sa status of residence na "Specified Skilled Worker (i)", kailangang ipagkaloob ng kompanya ang nararapat na suporta. Kumunsulta sa pinakamalapit na tanggapan ng Imigrasyon kung hindi nakakatanggap ng sapat na suporta mula sa kompanya.