Pagkuha ng status of residence na Specified Skilled Worker

Tungkol sa pagsusulit

Upang makapagtrabaho sa status of residence na Specified Skilled Worker (i), kinakailangang ipasa ang Japanese proficiency test at skill test sa bawat industriya (hindi na kailangang ipasa ang pagsusuri kapag matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii). Subalit, kung sakaling nais magtrabaho sa ibang industriya, kailangang ipasa ang skill test sa industriya na kung saan nais magtrabaho.) Hindi libre ang pagkuha ng pagsusulit. Maaaring kumpirmahin sa website ang mga katanungang posibleng lumabas sa pagsusulit. May mga textbooks para sa pag-aaral pati halimbawa ng mga katanungan na nakalathala sa website. Ilalagay dito ang mga katangunan sa pagsusuri para sa ilang industriya bilang reperensiya.

Detalyadong nilalaman ng pagsusulit

Tungkol sa pagbabago mula sa ibang status of residence

Hindi na kailangang ipasa ang pagsusulit kapag matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii). Subalit, kung sakaling nais magtrabaho sa ibang industriya, kailangang ipasa ang skill test sa industriya na kung saan nais magtrabaho.
Sa paggawa ng kontrata sa kompanya, maaaring gawin ang aplikasyon para sa status of residence sa tanggapan ng Imigrasyon.
Kailangang gawin at ipasa ang pagsusulit kapag may hawak na ibang status of residence (pag-aaral sa ibang bansa at iba pa).

Tungkol sa kontrata sa kompanya

Sa paggawa ng kontrata sa kompanya, kailangang gawin ang hiring interview at ipasa ito.
Kung kayo ay nasa labas ng Japan, maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa kompanya para sa hiring interview o sa pamamagitan ng isang job placement agency.
Kung kayo ay nasa Japan, may ahensiya ng pamahalaan na kung tawagin ay "Hello Work", na tumutulong sa paghahanap ng trabaho. Kumunsulta sa Hello Work sa paghahanap ng bagong trabaho. Maaaring kumunsulta sa anumang tanggapan ng Hello Work.

Maaaring kumunsulta sa "Consultation counter para sa dayuhang manggagawa" kung may problema sa trabaho o mga bagay na hindi maintindihan.

Paksa

Sa tanggapan ng Imigrasyon, may "Guidebook sa Pamumuhay at Pagtatrabaho" na nilikha
at inilathala sa website nito na naglalaman ng mahalagang impormasyon at nagsisilbing gabay sa pamumuhay at pagtatrabaho ng mga dayuhan sa Japan.