Tungkol sa mga kinakailangang dokumento

Ang sumusunod na mga dokumento ay kinakailangan upang matanggap ninyo ang status na "Specified Skilled Worker".

  • Application form (na susulatan ninyo at ng kompanya.)
  • Sertipiko sa kalusugan (maaaring kunin sa ospital.)
  • Mga dokumento kaugnay sa pensiyon, health insurance premiums at buwis (maaaring kunin sa city hall, sa kompanya at iba pa)
    • Tax Certificate, Certificate of Tax Payment
    • Withholding Tax Slip
    • Kopya ng National Health Insurance Card
    • National Health Insurance Payment Certificate
  • Dokumentong nagpapatunay sa pagpasa sa pagsusulit
  • Mga dokumento kaugnay sa itinakdang pamamaraan na dapat sundin sang-ayon sa kasunduan ng magkabilang bansa o bilateral agreement (kinakailangan para sa mamamayan ng Cambodia, Thailand, Vietnam sa Marso 2022.)

*Bukod pa rito, kinakailangan din ang mga dokumento mula sa kompanya, kaya dapat sumangguni sa kawani ng kompanya upang ipagpatuloy ang mga pamamaraan.

Pag-download ng mga dokumentong kinakailangan para sa aplikasyon

Maaaring gawin ang pag-download sa mga dokumentong kinakailangang para sa aplikasyon (halimbawa sa pagsulat, bahagi ng dokumentong nasa wikang banyaga) sa website ng Immigration Services Agency of Japan.

Halimbawa ng pagsulat

Maaari din na kumunsulta ukol sa mga pamamaraan sa Imigrasyon sa wikang banyaga.

Pangkalahatang information center para sa mga dayuhang residente

Tel 0570-013904 (IP, PHS, tawag mula sa ibang bansa: 03-5796-7112)
*Tinatanggap ang konsultasyon sa wikang Hapon, Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Portuguese
E-mail